Huwebes, Oktubre 13, 2011

tula - ILOG


Ang kilapsaw mo:
dati’y mapusyaw na bughaw,
kanlungan ng kansusuwit
at paliguan ng baguntaong
sumisirko, walang takot sa pagsisid.
Sinong nagsabing hindi kayang
arukin ng musmos ang lalim ng tubig?


Nabunot ang talahibang
pilikmata ng iyong pampang,
nanlimahid pati ulap
sa mantsang dumating
nang marahan,
halos hindi naramdamang
sumakop sa buong tanawin.

Naglaho ang agos mong
malamig sa paa ng pagod na kalabaw.

Sa paligid mo, gumapang tulad ng amag
ang bahayan ng mga taga-lungsod.

Linggo, Oktubre 2, 2011

Ang aking Talambuhay

Ako si Kenneth M. Atienza 17 taong gulang, ipinanganak sa Malolos, Bulakan sa ika - 12 ng Setyembre taong 1994. Ako ay nakatira sa Suclayin, Arayat, Pampanga. Ang aking mga magulang ay sina Rolando Atienza at Marilou Atienza. Ang aking ama ay nag tratrabaho bilang isang empleyado at ang aking ina ay wala na. Ako ay nagsimulang mag aral ng 3 taon sa kinder, napakulit ko daw na bata at malikot. Noong nagsimula na akong mag aral ng elementarya sa Camba Elementary School sa edad na 4 na taon . Doon ay marami akong nakilalang bagong kaibigan na madalas ko namang nakakasama para maglaro. Mukang napakasaya nga maging bata nung panahon ng elementarya dahil sunud na sunud ang gusto mo dahil sa bata pa at wala kang iintindihin. Nung ako ay nag High School ako ay nag aral sa Camba High School sa edad na 10, kasama ang aking mga kaibigan kahit na nag kahiwahiwalay kami ng seksyon ay nag kakasama padin kami dahil nahilig kaming maglaro ng Kompyuter tulad ng Counter Strike at ang kinagigiliwan na Defense Of The Ancients (DOTA). Naging masaya ang buhay high school ng panahon na iyon dahil sa imbes na mag review at mag aral ng mabuti ay naglalaro kami ng kompyuter. Minsan nga ay nakita kami ng aming guro na nag lalaro ng DOTA sa oras ng klase. Noong mag tapos ako ng High School naging emosyonal ang aming pagtatapos, pero para sa akin ay parang wala lang kasi parang simula palang ito sa aming mga layunin sa buhay. Ito na nga kolehiyo na ako, nagkaroon ako ng mga bagong kakilalang kaibigan. Natapos ko ang Bokasyunal na kursong Computer Technology. Ngayun ay pinagpatuloy ko ito upang sa ganun ay mag karoon ng degree ang akin kinuhang Kurso at doon ko nakilala ang B.I.T 3C-G2 sana ay maka graduate kaming lahat.
Wakas :)

Sanaysay tungkol sa araw ng CICT

Noong araw ng ika - 24 ng Agosto taong 2011, ginanap ang aming CICT days at tumagal ito ng apat na araw. Ito ay sinimulan ng alas 3 ng hapon, nagsimula sa isang parada ng mga kalahok sa iba't ibang paligsahan ng laro at kung anu anu pa, noong araw din na iyun ay ginanap ang isang paligsahan na kung saan ang mga kalahok ay pagandahan sa kani-kanilang mga kasuotan. Naging malaki ang araw na iyon sapagkat marami ang naaliw sa mga kasuotan na sinuot ng mga kalahok sa paligsahan.

Ang ikalawang araw naman ay ang pagbubukas ng mga unang laro ng buong CICT, hindi naging maganda ng araw na iyon dahil kami ay may klase at hindi nakapanuod sa araw na iyon. Imbes na manuod sa naturang araw ay pumasok kami sa aming mga subjects dahil require kaming pasukin ito dahil sa maraming proyekto at pagsusulit ang pinagagawa sa amin. Sa ikatlong araw ay mga palaro padin, nakapanood kame ng sandaling oras ng mga palaro pero muli kaming pumasok noong araw na iyon. Doon ay pinasa namin ang lahat ng kinakailangang ipasa na pinagagawa sa amin. Sa huling araw naman ng CICT days ay hindi ko na alam ang pangyayari dahal sa ito ay walang pasok at awarding nalang naman ang gaganapin sa araw na iyon. Kahit na may pasok ang araw na yun ay sulit na din dahil sa kahit na may ganitong pagdiriwang ay nag kasamasama kaming mag kaklase. :)

Sabado, Oktubre 1, 2011

Maikling Kwento - "Computer Shop"

Ang pamilya ay binubuo ng nanay, tatay, at mga anak o anak. Sa panahon ngayon marami na ang pamilya na hindi buo o hindi kumpleto. Masakit sa isang anak ang sitwasyong ganyan. Lumalaki ka na hindi mo kapiling ang iyong tatay o nanay o kaya minsan ay parehas mong hindi kapiling ang iyong mga magulang.

Isa si James Leo sa mga kabataan na ganyan ang sitwasyon ngayon. Bunso si James Leo sa tatlong magkakapatid. Bata pa lamang ay hindi na nila nakapiling ang kanilang ama dahil naghiwalay ang kanilang mga magulang. Sabi-sabi ay may iba na nga daw pamilya ang kanilang ama. Ngunit kahit na ganoon ang buhay nila, siya pa rin ang pinakanangunguna sa kanilang klase sa elementarya. Ngunit nang siya ay pumasok na ng hayskul, siya ay naimpluwensiyahan ng kanyang mga kaklase na ganoon din ang sitwasyon, hindi kumpleto ang pamilya. Kaya madali nga silang nagkasundo ng kanyang mga kaibigan. Napabayaan na niya ang kanyang pag-aaral. Bumaba ang kanyang mga marka.

"Tara James Leo, punta tayo sa computer shop.. naghahamon yung kabilang section.. tara." yaya ng isa niyang kaibigan. "Pero,may mga assignments pa tayo na dapat ipasa bukas." Sabi ni James Leo sa kaibigan. "Nako James Leo, bukas na lang yun, makikopya na lang tayo sa iba nating kaklase." Pumayag na nga si James Leo na sumama sa kanila. Nawili si James Leo kakalaro at hindi na niya namalayan ang oras. Pag-uwi niya sa bahay ay puro sigawan ang kanyang narinig.

"Wala nga akong pera! Pede ba na magbigay uli tayo ng promissory note?" sabi ng kanyang nanay sa kanyang ate na humihingi ng pangtwisyon. "Nay, ilang beses na tayong nagbibigay ng promissory note. Hindi na nga tinatanggap ng skul namin e."

Hindi pa rin doon natapos ang pagtatalo ng mag-ina. Hindi man lang siya napansin ng kanyang nanay o mga kapatid man lang na ginabi na siya ng uwi. Dumeretso na lamang si James Leo sa kanyang kwarto.

Pumasok na nga si James Leo sa eskwelahan. Kahit na hirap bumangon ay pumasok pa rin siya sa eskwela. Nang pasahan na ng assignment….

"Pass your assignments forward." Sabi ng guro.

Hindi naalala ni James Leo ang pagggawa ng assignment. Habang nasa klase ay hindi nakikinig si James Leo sa leksyon ng kanyang guro. Parang wala sa sarili si James Leo sa mga oras na iyon. Nang uwian na nga, niyaya uli siya ng kanyang mga kaibigan. Hindi na nagdalawang isip pa si James Leo. Sumama agad ito sa kanila. Sa mga nakalipas na araw, ganoon pa rin ang nangyayari sa buhay ni James Leo. Patuloy pa din siya sa hindi pag-uwi ng maaga. Sa halip na umuwi ng maaga at gumawa ng kanyang takdang aralin ay naglalaro muna ito kasama ang kanyang mga kaibigan.

Dumating na ang araw ng unang pagsusulit nila. Hirap magsagot si James Leo dahil hindi siya nakapag-aral. Madaming blanko sa kanyang papel.

Kinabukasan, sinabi ng guro, "Bukas ay kuhanan na ng report card. Kinakailangan pumunta dito ang inyong mga magulang upang kuhanin ang inyong card at upang makausap na rin ako kung mayroon mang problema sa inyong marka." Kinabahan bigla si James Leo sa kanyang narinig. Naalala niya na madaming araw ang nakalipas na hindi siya umuuwi ng bahay upang mag-aral at gumawa ng takdang aralin. Ipinamigay rin noong araw na iyon ang kanilang pagsusulit para sa unang markahan. Bumagsak sa pagsusulit si James Leo. Bigla siyang nalungkot.

Umuwi ng bahay si James Leo. Nagkulong sa kanyang kwarto. Iniisip niya kung pano niya sasabihin sa kanyang ina na kuhanan na ng card kinabukasan. Biglang kumatok ang kanyang nanay. "James Leo, anung problema? Lumabas ka na dyan kakain na tayo." "Saglit lang po inay." Wika ni James Leo. Habang nasa hapag kainan, naisipan na sabihin ni Leo ang tungkol sa kuhanan ng report card.

Noong umaga, pumunta na ang kanyang nanay sa paaralan upang kunin ang report card. Laking gulat ng nanay niya sa nakitang marka ni James Leo. Hindi makapaniwala sa nakita. "Maam, baka nagkakamali lang po kayo sa pag compute ng grade ng aking anak."

"Yan po talaga ang marka ni James Leo. Bumagsak po siya sa exam at wala siyang napapasang takdang aralin." Sabi ng guro.

Umuwi na nga ang nanay ni James Leo. Hinanap si James Leo at kinausap. "James Leo, tignan mo ang marka mo ngayon. Bagsak. Anong nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati." Pagalit na wika ng ina. "Mali ko po talaga. Pinabayaan ko ang pag-aaral ko. Hindi ako umuuwi ng maaga para mag-aral. Simula ng nawala si Itay naging ganito na ko. Dapat po inintindi ko na lang ang sitwasyon natin ngayon. Dapat hindi ako nagpadala sa mga nangyari." Malungkot na wika ni James Leo.

"Naiintindihan kita anak. Pero sana wag mo pabayaan ang pag-aaral mo. Sana maintindihan mo na ginagawa ko ang lahat upang maayos ang pamilya natin kahit wala ang itay mo. Sana sa susunod ay hndi na ganito ang mangyayari?" Mahinahon na wika ng nanay. "Opo. Babawi po ako. Sorry po ulit."

Unti-unting bumawi si James Leo. Minsan ay napapsama pa rin siya sa mga kaibigan niya ngunit alam niya na ang kanyang limitasyon. Ginagawa na niya ang kanyang mga assignments. Nag-aaral na siyang mabuti gaya ng dati. Dahil dito nanguna ulit siya sa klase.

Tuwang tuwa ang kanyang ina. Simula noon, hindi na naging pabaya si James Leo at nakatapos siya ng High School bilang Valedictorian ng klase. Masayang umakyat ng enteblado si James Leo habang sinasabit ng kanyang nanay ang medalya niya.

Hindi lahat ng kabataan ngayon ay nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Kaya huwag nating sayangin ang pagkakataon na tayo ay napag-aaral sa magandang paaralan. Kung tayo ay hindi nagpapabaya sa ating pag-aaral, magiging masaya ang ating mga magulang dahil ang kanilang pagod at hirap ay hindi sayang.

" Alamat ng Kompyuter "Mouse" "

Isang araw, sa isang bukirin sa bayan ng Rattatouille mayroong isang taong nagngangalang Mickey. Lahat ng tao sa kanilang bayan ay masisipag at matulungin, si Mickey lang ang tanging naiiba sa kanilang bayan. Si Mickey ay isang tamad na binata na napakatamad na ang tanging alam lamang ay matulog,kumain at maglaro ,siya ay salbaheng bata. Wala siyang sinusunod kahit na ang kaniyang magulang ay halos sumuko na sa katigasan ng kanyang ulo.

Isang umaga habang naglalakad siya sa gilid ng kalsada nakakita siya ng isang matanda na may dala dalang gamit at kitang kitang halos makuba ang matanda sa dala nitong gamit. Humingi ito ng tulong kay Mickey "Maari mo ba akong tulungan" ang sabi ng matanda. Agad namang sumagot si Mickey "Ha, anu kamo?" sagot ni Mickey. Agad din namang sumagot ang matanda "Maari mo ba akong tulungang buhatin ang aking mga dala" sabi niya, sumagot si Mickey "Hmmm.. wala naman ako mapapala kung bubuhatin ko yan pero kung babayaran mo ko ay tutulungan kita" sabi pa niya. Muling nag makaawa ang matanda "Parang awa mo na, hindi ko na kasi kayang buhatin ang aking mga gamit kaya pakiusap maari mo bang ikaw na muna ang magdala kahit sandaling oras lang?" ang sambit niya. Napasimangot si Mickey sa kanyang naranig bagkus na tulungan ay sinagot niya pa ito ng hindi maganda "Eh hindi naman akin yan eh... bakit ko bubuhatin ang hindi akin tsaka wala naman kapalit kung tutulungan kita, mapapagod lang ako" sambit ni Mickey sabay bunggo sa nakakaawang matanda at umalis.

 Nung siya ay nakalayo layo sa matanda ay parang may tumatawag sa kanya, wari ay ibang boses ang naririnig niya, tumalikod siya at nagulat sa kanyang nakita. Nawala ang matanda at para bang siya nalang ang tao sa lugar na iyon. Nagparipas siya ng takbo at napunta sa isang bukiran, doon may nakita siyang isang babae na nakatalikod. Tinanong niya ito "Hmmm, Miss san ba tong lugar na to naliligaw ako eh". Hindi humaharap ang babae kaya ang ginawa ni Mickey ay sinigawan ito "Hoy hindi mo ba ako naririnig bingi kaba?". Nung ito ay humarap nagsalita ito "Ikaw ba si Mickey" sabi ng babae "Oo ako nga bakit kilala mo ba ako?" sabi ni Mickey. "Oo kilala kita" sabi ng babae, nagtaka si Mickey kung bakit kilala siya nito. "Hoy kung sino ka man bakit mo ako kilala?" sabi niya. "Dahil matagal na kitang binabantayan" sabi ng babae. "Ha? anu ka Diyos?" sabi ni Mickey. "Ako ay isang diwata naglilibot upang tignan ang mga ugali ang tao, pero sa nakita ko sayo ay hindi maganda ang inasal mo sa matandang babae, dahil ang matanda at ako ay iisa" sabi ng babae. Nagulat si Mickey sa kanyang narinig "Ha? panung?" natatakot na pagkakasabi. "Paparusahan kita upang magtanda ka sa mga ginawa mong hindi maganda, dahil diyan ay gagawan kita ng kakambal upang sa ganon ay makita mo kung ano ka".

Doon ay biglang hinimatay si Mickey, pagkaraan ng ilang oras ay nagising siya. Nagmasid masid sa paligid, doon ay nakita niya ang isang lalake na nakatingin sa kanya nilapitan niya ito. Napansin niya na parang parehong pareho sila ng ginagawa. Napaisip siya sa sinabi ng babae dahil sa nangyayari ngayon. Doon lahat ng kanyang ginagawa ay ginagaya din ng kanyang kakambal. Si Mickey ay nabubuwisit sa ginagawa ng kanyang kakambal, napara bang siya ay alipin nito. Napansin ito sa kanila, kung kaya ay nagsisisi siya sa kaniyang ginawa. Simula noon tinawag nila itong "Alipin na may kasamang Daga" dahil sa tamad ni Mickey. Doon ay napagkwentuhan siya at kumalat ito sa iba't ibang panig ng mundo. Doon ay naisip nilang gumawa ng isang bagay na pwedeng ikonekta sa bagay na pareho ang ginagawa. Hindi nagtagal ito ay naghugis daga dahil sa ito ay maliit at madaling hawakan at dahil na rin sa mga kuro kuro na narinig.
WAKAS :)